Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

JoKe Of tHe DaY

Clean Jokes from Funny Joke Rating

Saturday, January 12, 2008

GiSiNgiN NiYo AkO

Grabe ang haba ng tulog ko kagabi, buti na lang nagising pa ako ulit.(thank you lord!) Natulog kasi ako ng mag 5 or 6pm pa lang kasi inantok ako. Dapat gigising ako ng 10 ng gabi para mag-aral or mag blog siguro.(actually more on mag-blog yata..yata lang ha ‘di ako sure) Ang kaso nagtuloy-tuloy na siya hanggang kinabukasan pero 10 pa rin naman, 10 ng umaga nga lang. Hindi na nga ako nakapag-dinner eh. Dapat nagising ako sa gutom nun, kaya lang nanaginip ako na nasa party ako eh, syempre madaming pagkain kain ako ng kain.hehehe Kaya naman gutom na gutom ako paggising.tsk tsk tsk! Hindi ko alam kung bakit nagkaganun, hindi naman ako masyadong puyat, hindi din naman ako nag-diazepam. Akala ko dati yung tulog ko ng 14 hours ang pinakamahaba ko na, hindi pa pala, mabe-break ko pa pala yun..hehe Sana naman ito na yung last, mahirap na baka hindi na ako magising..hehehe (‘wag naman..)

Although madaming benefits ang pagtulog, hindi naman siguro maganda kung mas madaming oras akong tulog kaysa gising diba? Bukod sa andaming napapanis na laway, eh paano ko matutupad ang pangarap kong maging isang productive citizen of the Republic of the Philippines nyan? Oras na siguro para baguhin ko……..ang pangarap ko.

0 comments: